dzme1530.ph

6 katao mula sa lumubog na motorbanca, nailigtas

Nailigtas ang anim katao mula sa lumubog na motorbanca sa Panguturan Island, Sulu nitong weekend.

Ayon sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM), ang bankang M/B Lorena ay mula sa munisipalidad ng Mapun at papunta sanang Zamboanga City nang makaengkwentro nito ang malalakas na alon.

Saktong nakita ng panama-flagged bulk carrier ang M/V Navios Lumen at tinulungan ang lulan nitong pasahero at tripulante.

Agad namang dinala sa Bongao Disaster Office ang mga na-rescue kung saan, nakatanggap sila ng counseling, health check, at iba pang tulong bago sila nakabalik sa kani-kanilang tahanan.

Ikinatuwa naman ni NFWM Commander Rear Admiral Donn Anthony Miraflor na ligtas at nasa mabuting kalagayan ang mga pasahero ng M/B Lorena.

About The Author