dzme1530.ph

54 eskuwelahan sa Davao Region, napinsala ng magnitude 5.9 na lindol

54 na paaralan sa Davao Region ang napaulat na napinsala makaraang tumama ang magnitude 5.9 na lindol noong Martes.

Batay sa initial assessment, sinabi ng Department of Education na 18 eskwelahan ang nasira sa Davao del Norte; 24 sa Panabo City; at tig-tatlo sa Davao de Oro, Davao Oriental, Tagum City at Island Garden City of Samal.

Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol sa Davao de Oro, dakong alas-2 ng hapon noong Martes, at natunton ang epicenter nito, walong kilometro timog silangan ng Bayan ng New Bataan.

About The Author