dzme1530.ph

42°C-47°C damang init, asahan ngayong Biyernes

Asahan na papalo sa 42°C hanggang 47°C ang Heat Index Forecast o damang init sa tatlumpung lugar sa bansa ngayong araw ng Biyernes, Abril 26.

Kabilang sa mga makararanas ng pinaka mataas na heat index ang mga lugar ng:

Makararanas naman ang Metro Manila ng 43°c na init ngayong biyernes.

Samantala, naitala ang 47°c na pinakamataas na heat index kahapon sa Dagupan City, Pangasinan.

Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko sa masamang dulot ng patuloy na pagbilad sa matinding sikat ng araw.

Maaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang katawan na posibleng humantong sa heat stroke.

About The Author