Patay ang apat katao makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang private plane sa isang palayan sa Bayan ng Ampatuan sa Maguindanao del Sur.
Ayon kay Ameer Jehad Ambolodto, Provincial Disaster Response Officer, narekober ng emergency responders ang katawan ng apat na biktima na inilarawan bilang “caucasian-looking men,” mula sa wreckage ng Beechcraft King Air 300 na may registration number N349CA.
Batay sa salaysay ng mga saksi, mababa ang lipad ng eroplano na tila nagsu-survey sa lugar bago ito pa-subsob na bumagsak sa bukid, sa Barangay Malatimon.