dzme1530.ph

4 batang magkakapatid, patay sa pananaksak sa Cavite; suspek, nagpakamatay din

Apat na batang magkakapatid ang patay sa pananaksak ng live-in partner ng kanilang OFW na ina, sa Trece Martirez, sa Cavite.

Ayon sa Trece Martirez Police, ang mga biktima ay tatlong babae na edad 14, 12, at 9, at isang 5-taong gulang na lalaki.

Natagpuan ng mga otoridad na naliligo sa sariling dugo ang mga bata sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cabuco.

Nakita naman ng mga pulis ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Filemon” na nakahandusay sa sahig at may nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdbib.

Namatay ang suspek habang ginagamot sa ospital.

Inihayag ng pulisya na nagsaksak din sa sarili ang suspek makaraang paslangin ang mga bata.

Sa pamamagitan ng dugo ay isinulat ng suspek sa pader ng bahay ang mensahe nito sa ina ng mga bata na humihingi ng kapatawaran.

Selos ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa krimen.

About The Author