dzme1530.ph

3 katao, patay sa pagsalpok ng rumaragasang jeep sa dalawang motorsiklo sa Cavite

Tatlo katao ang patay makaraang mawalan ng kontrol ang isang rumaragasang jeepney at salpukin ang dalawang motorsiklo sa Ternate, Cavite.

Sa dash cam video, nakunan ang mabilis na takbo ng jeep na nag-overtake sa ibang mga sasakyan habang binabaybay ang pakurbang daan.

Sa bilis ng takbo ay nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang tsuper hanggang sa mabangga nito ang dalawang paparating na motorsiklo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Gerlyn Nicolas, miyembro ng Philippine Marines; Gregorio Salazar at angkas nito na si Caledonia Gutierrez.

Iginiit ng driver na maayos naman ang kanyang jeep subalit nawalan umano ito ng preno.

About The Author