dzme1530.ph

29 nasawi matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Tunisia

Pumalo sa 29 na migrants ang nasawi dahil sa paglubog ng sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Tunisia.

Ayon sa mga otoridad, oras lamang ang pagitan ng paglubog ng dalawang bangka.

Sumubok anila ang mga ito na tumawid sa Mediterranean patungong Italy.

Nangyare ang insidente ilang araw matapos maghigpit ang Tunisia laban sa mga hindi dokumentadong migrants mula Africa na gustong makatawid sa Europa.

About The Author