dzme1530.ph

26 patay dulot ng buhawi at bagyo sa Mississippi, Alabama

Binulabog ng isang malakas na buhawi at bagyo ang Mississippi at Alabama na nag-iwan ng mahigit 100 milyang pinsala.

Ayon sa local at federal authority ng lugar, pumalo na sa halos 25 katao ang namatay sa Mississippi at isa naman sa Alabama.

Samantala, sinabi ng Emergency Management Agency ng Mississippi na patuloy ang kanilang ginagawang search and rescue operation sa mga lugar ng Sharkey at Humphrets, habang inaalam ang halaga at laki ng pinsala.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si US President Joe Biden sa pamilya ng mga nasawi bunsod ng kalamidad.

About The Author