![]()
Kinumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service o NMIS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group, ang may 247 kilo ng assorted frozen meat products sa Pasay Public Market, kaninang madaling-araw.
Ayon kay NMIS OIC Executive Director, Dr. Fernando Lontoc, umaabot sa 80 thousand pesos ang halaga ng mga produkto na kinabibilangan ng frozen pork, beef at chicken.
Sinabi ni Lontoc na lumitaw sa kanilang inspeksyon na ang mga produkto ay hindi maayos ang pagkakalagak sa mga lalagyan tulad ng freezers at chillers.
Ang mga ganitong produkto na hindi tama ang pag-handle at storage sa mga pamilihan ay prone sa posibleng kontaminasyon at magdulot ng panganib sa mga kokonsumo nito.
