![]()
Inalis na ng US ang Syria mula sa kanilang List of State Sponsors of Terrorism makalipas ang 47 years.
Nangangahulugan ito na tinanggal na ang “final major barriers” para sa private sector na mag-invest sa bansa at sa reintegration nito sa global economy.
Sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na ang hakbang ay pagkilala sa positive actions ng Syrian government na tuluyang lumayo mula sa acts of international terrorism.
Tinanggap ng Trump administration ang bagong presidente ng Syria na si Ahmed al-Sharaa na dating militante at minsang pinatungan ng pabuya ng Amerika ang ulo bilang pinuno ng isang kaalyadong grupo ng Al-Qaeda.
Tinanggal din ang kanyang Islamist group na Hayat Tahrir al-Sham mula sa US List of Global Terrorist Organization.
