dzme1530.ph

2024 Bar Exams aarangkada sa Linggo, ayon sa Korte Suprema

Magsisimula na sa darating na Linggo, ang unang araw ng 2024 Bar Examinations.

Ayon sa Korte Suprema, isasagawa ang pagsusulit sa 13 local testing centers (LTCs) sa bansa kung saan ang anim dito ay sa Metro Manila.

Kasama sa LTCs ay ang UP Diliman, University of Santo Tomas, San Beda University, Manila Adventist College, UP BGC, at San Beda College – sa Alabang.

Sa tala ng Supreme Court ay mahigit 12,000 law graduates ang naghain ng kanilang aplikasyon para sa bar exams.

Idaraos ang bar exams sa September 8, 11, at 15 ngayong taon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author