dzme1530.ph

17 patay sa sumabog na gusali sa Bangladesh

Pumalo na sa 17 indibidwal ang namatay at mahigit 100 ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang gusali sa Bangladeshi Capital’s Commercial District.

Ayon kay Police Inspector Bacchu Mia, hindi pa rin malinaw ang dahilan ng insidente pero madalas naman daw ang mga ganitong pangyayari dahil sa maluwag na restriksyon at seguridad sa lugar.

Sa paglilinaw ni Director Nazmul Islan, mahigit 112 katao ang dinala sa Dhaka Medical College Hospital na nagtamo ng sugat sa ulo, bali sa katawan at iba pang injury.

Dagdag pa ni Fire Department Chief Brigadier General Main Uddin, na bagaman mabilis na nakarating ang mga rescuer sa pinangyarihan ng pagsabog, ang lawak ng pinsala ang nagpahirap sa kanila na matulungan ang mga tao na naipit sa debris at malalaking bitak ng gusali.

Samalantala, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation habang iniimbestigahan ang sanhi ng pagsabog.

About The Author