dzme1530.ph

17 nasawi matapos ang bus crash sa Bangladesh

Patay ang 17 katao habang 25 naman ang sugatan matapos mahulog ang isang bus sa isang bangin sa Bangladesh.

Ayon kay Local Police Chief Masud Alam, nawalan ng kontrol ang drayber ng bus bago sumalpok sa railings ng expressway.

Paliwanang ni Alam, madalas ang mga ganitong insidente sa Bangladesh dahil sa luma at hindi maayos na mga sasakyan at kalsada.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang bansa ng halos 10,000 bilang ng mga nasawi dahil sa road accidents.

About The Author