dzme1530.ph

16 PETITIONS PARA SA UMENTO SA SAHOD SA METRO MANILA, NAKABINBIN SA DOLE

Loading

Kabuuang 16 na petisyon para sa dagdag na sahod sa Metro Manila ang nakabinbin ngayon sa Department of Labor and Employment.

Ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa krisis sa enerhiya dulot ng tensyon sa Middle East.

Mula 2022 hanggang 2025, nasa 158 pesos ang total wage increase sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay DOLE Spokesperson Lennard Constantine Serrano, isa sa mga petisyon ang humihingi ng 1,200 pesos increase habang ang iba ay nasa pagitan ng 500 hanggang 800 pesos na umento.

Magsasagawa naman ng pag-aaral ang NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board kung sapat pa ang tinatanggap na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

About The Author