Labintatlong (13) Chinese nationals na kabilang sa mga dinakip sa raid sa POGO scam hub sa Pasay City ang nadiskubreng pugante mula sa kanilang China.
Kinumpirma ng Chinese Embassy na guilty ang mga naturang dayuhan sa mga krimen sa kanilang bansa, matapos isumite ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang kanilang mga pangalan.
Nabatid na ang Chinese citizens ay wanted bunsod ng cryptocurrency at investment scam, at sa paggamit ng ipinagbabawal na messaging app para maisagawa ang kanilang iligal na negosyo.
Ikinabahala naman ng PAOCC ang kakayahan ng mga dayuhan, lalo na ang mga mayroong blue o red notice mula sa Interpol, na makapasok sa bansa sa kabila ng ban sa POGOs.
Nakikipag-ugnayan na ang PAOCC sa Bureau of Immigration para sa backtrack investigation.