Aabot sa ₱800-M ang budget na inilaan ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa kanilang shared service facilities ngayong 2025.
Ayon kay Trade Sec. Ma. Cristina Roque, gagamitin ang pondo sa pagbili ng bagong equipment, kabilang ang modern packaging machines.
Sinabi ng Kalihim na ipamamahagi ang bagong kagamitan ngayong taon sa mga center, kung saan hinahayaan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na gamitin ang kanilang machinery, equipment, at tools nang libre.