dzme1530.ph

World Billiards Champion Bingkay Amit, tiwalang makikilala ang mga babae sa larangan ng bilyar

Kumpiyansa si World Billiards Champion Rubilen ‘Bingkay’ Amit na mas maraming Pinay bilyar players ang mabibigyan ng pagkakataon sa programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Women’s Billiards.

Ayon kay Amit, napapanahon na para magpakilala ang mga kababaihan at mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro sa mga kompetisyon at masanay para makapagbigay ng karangalan sa bansa mula sa international competition.

Aminado si Amit, na naging tahimik ang billiards kumpara sa panahon na namamayagpag sina Efren ‘Bata’ Reyes at Django Bustamante.

Kaya naman nais nilang madugtungan ang tagumpay at kasikatan ng billiard sa pamamagitan ng mga babaeng kalahok sa March 25 at 26 sa PSC Women’s 9-Ball Tournament.

About The Author