dzme1530.ph

Target na P20/kilo ng bigas, hindi dapat makaapekto sa farmgate prices

Hindi dapat makaapekto sa presyo ng farmgate prices ang target ng pamahalaan na ibaba sa P20/kilo ang presyo ng bigas.

Ito ang iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Executive Director Jayson Cainglet na bukas sila sa magiging polisiya ng gobyerno na ma-subsidize ang retail prices ng bigas.

Pero, aniya umaasa sila na hindi nito mapapababa ang farmgate prices.

Sa kasalukuyan, mabibili sa Kadiwa stalls ang P25/kilo na presyo ng bigas.

Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture as of March 15, umaabot sa P40/kilo hanggang P46/kilo ang presyo ng well-milled rice sa Metro Manila.

About The Author