dzme1530.ph

“VLOGGER-STYLE SPIN” NI VP SARA, PINUNA NG ISANG KONGRESISTA

Loading

Pinasaringan ni Manila Cong. Joel Chua ang aniya “vlogger-style spin” ni Vice President Sara Duterte bilang depensa sa mga akusasyon.
 
Ayon kay Chua, ang pagbaha ng mga dokumento na kunektado sa VP gaya ng SALN, bank transactions, at unexplained wealth ay nangangailangan ng sworn testimony at hindi press statement.
 
Ang mga isyu na idinidikit kay VP Duterte ay hango umano sa records at documents na sumailalim na sa scrutiny, at ito ay masasagot lamang sa paraan ng clarificatory questions.
 
Banat pa ni Chua, hindi vlog ang hearing, dahil ang dating ng sagot ng VP ay parang script ng vlogger na nagkakalat ng fake news.
 
Maingay umano, mapanumbat, at punong-puno ng diversion, pero tahimik at kapos pagdating sa konkretong pagsagot sa ebidensya.
 
Dagdag pa ni Chua, hindi sapat na sabihin na dineklara niya lahat kung ang mismong record na tinitingnan ngayon ay himihingi ng paglilinaw.

About The Author