![]()
“Tama na ang daldal, magpakita na kayo.”
’Yan naman ang mensahe ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon kay VP Sara Duterte at sa defense team nito, at tigilan na rin ang pagtatago sa press statements at press conferences.
Sa halip na harapin ang mga nag-aakusa, nag-iisyu lamang ng social media statement ang Bise Presidente matapos ang impeachment hearings.
Minamaliit lamang nito ang proseso ng komite, ang mga humaharap na resource persons, at mga documentary evidence.
Ilan sa “most explosive” committee findings ay ang non-disclosure of cash on hand o bank deposits sa kanyang SALN sa anim na magkakasunod na taon.
Ang P6.77-B worth of covered at suspicious transactions na na-flagged ng AMLC mula 2005 hanggang 2014.
Sa April 29, muling inanyayahan ni Ridon ang Pangalawang Pangulo na dumalo para doon na lamang sila magtuos.
