dzme1530.ph

VICE PRES. SARA, DAPAT DUMALO SA IMPEACHMENT TRIAL, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

DAPAT dumalo si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial laban sa kanya na magsisimula ngayong Lunes, July 6.
 
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa press conference sa Vancouver, Canada, bago bumalik sa Pilipinas.
 
Sinabi ng Pangulo na mas magiging madaling makuha ang puno’t dulo ng lahat kung direktang makakausap ang akusado, at hindi na daraan pa sa mga abogado.
 
Binigyang-diin ni Marcos na kung direktang makukuha ang sagot sa mismong inaakusahan ay magiging mas malinaw at mas madali ang proseso.
 
Si Pangulong Marcos ay nagsilbing senator-judge noong 2012 impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
 
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ang kanyang pahayag ay personal lamang niyang pananaw at hindi legal na opinyon dahil hindi naman siya abogado.

About The Author