![]()
Bubuksan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ngayong Lunes, July 6.
Nakatakdang mag-convene ang Senado bilang Impeachment Court, mamayang alas dos ng hapon.
Inatasan ang Bise Presidente na dumalo nang personal o sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, matapos mag-isyu ang mga senador ng summons noong nakaraang linggo.
Inaasahan namang pormal na ipiprisinta ng House prosecutors ang Articles of Impeachment habang magpapasok ng appearance ang legal team ni Duterte sa Impeachment Court.
