dzme1530.ph

DATING BARMM PARLIAMENT MEMBER NA ISINASANGKOT SA DRUG SHIPMENT NA NAKUMPISKA SA LAOS, HUMARAP SA NBI

Loading

Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) si former Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament member Sultan Edrieza Rimbang.

Sa gitna ito ng umano’y pagkakasangkot niya sa 521 kilos ng illegal drug shipment na nakumpiska sa Laos.

Sinabi ni Rimbang na nagtungo siya sa NBI para linisin ang kanyang pangalan.

Tinukoy ng mga awtoridad si Rimbang bilang financier umano ng shipment, na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na dadalhin sa Pilipinas.

Una nang itinanggi ng dating BARMM official ang alegasyon, sa pamamagitan ng video statement, at iginiit na wala siyang kinalaman sa illegal drug operation.

About The Author