![]()
KINUMPIRMA ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaari nang itigil ang pagpataw ng value-added tax sa system loss charges sa kuryente, kahit walang batas para rito.
Sinabi ni Gatchalian na nakausap na nila sina BIR Commissioner Charlito Mendoza at Energy Regulatory Commission Chairperson Saturnino Juan.
Magkatulad aniya sila ng interpretasyon ni Atty. Juan ng ERC na puwedeng tanggalin ang VAT sa system loss, tulad ng pagtanggal ng lifeline rate sa kuryente noong isabatas ang Ease of Paying Taxes Act noong nakaraang taon.
Sa nasabing batas, may probisyon na nagsasaad na hindi lahat ng bayarin na ipinapasa sa consumers ay awtomatikong dapat patawan ng VAT.
Habang pinag-aaralan ito, tiniyak naman na bibilisan na nila ang paggawa ng batas para alisin na sa electricity bill ang technical system losses o halaga ng kuryenteng nawawala habang dumadaloy ito sa mga kable at ang non-technical system losses o halaga ng kuryenteng nawawala dahil sa pagnanakaw o sa maling metro.
Muling binigyang-diin ni Gatchalian na dapat distribution utilities ang nag-a-absorb sa system losses at hindi ito dapat ipabayad sa consumers ng kuryente.
