dzme1530.ph

Ukraine, mangangailangan ng $411-B para sa reconstruction at recovery

Lumobo na sa $411-B ang kakailanganin ng Ukraine para sa reconstruction at recovery, mahigit isang taon mula nang salakayin ng Russia ang bansa.

Ang assessment ay ginawa ng pamahalaan ng Ukraine, World Bank, European Commission, at United Nations.

Inaasahan din na oobligahin ng Kyiv ang paglalaan ng $14-B para sa critical at priority reconstruction at recovery investments ngayong 2023.

Upang mapunan ang naturang pangangailangan, nanawagan ang World Bank para sa $11-B financing, bukod sa natugunan na ng Ukranian Government ang kanilang 2023 budget.

About The Author