dzme1530.ph

UFCC, hindi pabor sa panukalang fare discount ng DOTr

Hindi kumbinsido ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng diskwento sa mga pamasahe sa pampublikong sasakyan.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni RJ Javellana ng UFCC, imbes na diskwento ay umisip ang pamahalaan na pangmatagalang solusyon at hindi ang plano nilang pansamantalang kabawasan sa suliranin ng mga publiko.

Naniniwala si Javellana na mas mabuting ilaan nalang ang pondo sa pagbili ng mga bus para mas lalong makatulong sa mga mamamayan at pwede pang kumita.

About The Author