dzme1530.ph

Turnover sa DepEd, itinakda sa July 18

Magsisimula nang manungkulan sa Department of Education si Sen. Juan Edgardo Angara simula sa araw na epektibo ang resignation ni Vice President Sara Duterte, o sa July 19.

Ayon kay Angara, July 18 nakatakda ang turnover ceremony at kinabukasan ay pormal na siyang magte-take over sa bagong posisyon kung saan inaasahan niyang makakasalamuha ang Bise Presidente at mahingan ng mga payo kaugnay sa pagpapatakbo sa ahensya.

Bago pa ang pagturn-over, kinumpirma ni Angara na nakipagpulong na siya sa ilang Undersecretaries at Assistant Secretaries ng DepEd para malaman ano ang mga bagay na kailangang agad pagtuunan ng pansin.

Partikular anyang inalam ng incoming DepEd Secretary ang paghahanda ng ahensya para sa bagong school year 2024-2025.

Kasabay nito, sinabi ni Angara na bagama’t may mga opisyal din ng Kagawaran ang naghain din ng kanilang resignation ay hindi pa siya tiyak kung magtatalaga ng mga bagong opisyal dahil kailangan pa rin nyang pag-aralan ang sistema sa ahensya.

About The Author