dzme1530.ph

Travel documentary ni Vanessa Hudgens, kukunan sa Pilipinas ngayong Marso

Nakatakdang mag-shoot ng travel documentary ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens sa Maynila at Palawan sa huling linggo ng Marso.

Itatampok sa documentary ang relasyon ni Vanessa sa kanyang ina na si Gina at kapatid na si Stella.

Ang ina ni Vanessa ay isinilang sa Pilipinas at nag-migrate sa Amerika noong ito ay 25- anyos.

Si Paul Soriano, Presidential Adviser for Creative Communications, ang magdi-direk, at magsisilbi ring producer at executive producer sa ilalim ng kanyang production company na Ten17P.

Nakilala ang Fil-Am actress sa “High School Musical” at “Bad Boys for Life.”

About The Author