dzme1530.ph

Transportation advocates, pinalagan ang bagong regulasyon sa e-bikes, e-trikes

Tinuligsa ng Transportation Advocates ang pinakabagong resolusyon ng Metro Manila Council hinggil sa pagbabawal sa E-bikes at E-trikes sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region.

Ayon sa Move as One Coalition, ang mga Light Electric Vehicles na Exclusive for Private Use ay exempted sa registration, alinsunod sa RA 11697.

Kinuwestiyon din ng grupo ang hindi pagsama sa e-vehicle users sa isinagawang pulong para sa regulasyon sa e-bikes at e-trikes, na mahalaga anila sa pagpapatupad ng naturang hakbang.

 

 

About The Author