Naghatid ng kasiyahan at pagbati si TRABAHO Partylist celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco sa libu-libong Tarlaqueños sa ginanap na Grand Float Parade sa Tarlac City.
Pinagkaguluhan ang actress-host ng mga taong nais itong masilayan at makuhanan ng larawan sa ginanap na 9th KanLahi Festival, kaya’t naging daan talaga ang paradang ito upang maibahagi niya ang mga adbokasiya ng TRABAHO.
Sa pagdalo sa parada, layunin ng TRABAHO na maghatid ng kaalamam sa mga Pilipino tungkol sa plataporma nitong kalidad na trabaho, sapat na sahod, at patas na oportunidad.
Kasama ni Melai ang iba pang mga miyembro ng TRABAHO sa pangunguna ni nominee Atty. Johanne Bautista na siyang nagpahayag rin ng paghanga sa KalanLahi Festival.
Ani ng abugado, ang proyektong ito ni Gov. Susan Yap ay game-changer sapagkat mayroon itong cultural at tourism na aspeto- gumagawa ito ng maraming trabaho at nagpapalago sa regional na ekonomiya, habang nagpapasaya ng komunidad.
Si Melai ay isa sa mga host ng muling nagbubukas na bahay ni kuya sa Pinoy Big Brother.