dzme1530.ph

TILA PAGDIRIIN BILANG SCAPEGOAT SA DALAWANG SPECIAL DISBURSING OFFICER NI VP SARA DUTERTE, IKINABAHALA NG HOUSE PROSECUTION

Loading

Nabahala si House Trial Spokesman Zia Alonto Adiong sa line of questioning sa Impeachment Court, na tila gustong gawing scapegoat o sacrificial lamb ang dalawang special disbursing officer o SDO.
 
Ayon kay Adiong, sa tono ni Senator-Judge Imee Marcos, sina SDO Gina Acosta ng OVP at SDO Edward Fajarda ng DepEd ang itinuturo nitong may kasalanan sa kinukwestyong paggasta ng confidential funds sa halip na si VP Sara Duterte bilang head of the agencies.
 
Si Acosta at Fajarda ang susunod na testigo ng prosekusyon sa Article 1 o ang misused of P612.5-M confidential funds ng OVP at DepEd, matapos ang pagtestigo ng mga taga-COA.
 
Ayon kay Adiong, lahat ng dokumento mula sa physical at financial plan, disbursement documents, liquidation at accomplishment reports ay may pirma ni Duterte, kaya hindi puwedeng isalba siya sa pananagutan habang ididiin naman sina Acosta at Fajardo.
 
Paliwanag pa ni Adiong, ang mga itinalagang disbursing officer ay hindi maaaring gumalaw ng sarili niya lamang para gastusin ang napakalaking halaga kung wala itong basbas ng kanilang boss na si VP Duterte.

About The Author