dzme1530.ph

TEENAGER NA NAMARIL SA THAILAND, NANOOD NG MARARAHAS NA CONTENT SA ONLINE, AYON SA MGA AWTORIDAD

Loading

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa malagim na insidente ng pamamaril ng katorse anyos na lalaki sa Thailand noong Biyernes.
 
Unang binaril ng suspek ang kanyang lolo at lola sa kanilang bahay, bago namaril ng anim na iba pa sa isang paaralan, saka ito nagbaril sa sarili.
 
Ayon sa pulisya, natutong gumamit ng baril ang teenager sa pamamagitan ng social media.
 
Batay sa salaysay ng mga witness, isa o dalawang taon na ang nakalipas nang makita nila ng interest sa paggamit ng baril ang suspek.
 
Gayunman, sinabi ng ina ng teenager na hindi niya nakitaang kakaibang pag-uugali ang anak na masayahin at normal naman ang ikinikilos.
 
Matapos maeksamin ang personal computer ng 14-year-old suspect, natuklasan na nanood ito ng mga social media content na kinasasangkutan ng karahasan.

About The Author