dzme1530.ph

Target na 77-M vaccines, naabot na ng DOH

Katuwang ang iba’t ibang ahensiya, naabot na ng Department of Health (DOH) ang target nito na 77 milyong indibidwal na “fully-vaccinated” laban sa COVID-19.

COVID

Base rin sa bulletin, nakapagtala ng 983 bagong kaso ng COVID-19 mula Marso 6 hanggang 12, na may daily average na 140 kaso kada araw.

Nasa 58 ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi ngunit wala sa mga ito, ang nangyari sa pagitan ng Pebrero 27 hanggang Marso 12.

Sa kasalukuyan, nasa 351 indibidwal ang nasa ‘severe and critical admissions’ sa mga ospital sa bansa.

About The Author