dzme1530.ph

Supreme Court, pinagko-komento ang mga opisyal ng pamahalaan sa petisyon laban sa pag-aresto kay FPRRD

Loading

Inatasan ng Supreme Court ang mga opisyal ng pamahalaan na respondent sa petitions for habeas corpus na humihiling na pakawalan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na magpaliwanag sa loob ng 24-oras kung bakit dapat maglabas ng writ.

Ayon kay SC spokesperson, Atty. Camille Ting, na-resolba rin ng En banc na i-consolidate o pagsamahin ang mga petisyon na magkakahiwalay na inihain ng mga anak ng dating pangulo na sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Veronica “Kitty” Duterte.

Ang mga respondent sa petitions ay kinabibilangan nina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Juanito Victor Remulla, PNP Chief Police General Rommel Marbil, at Criminal Investigation and Detection Group Chief Police Major General Nicolas Torre III.

Inihain ng magkakapatid na Duterte ang kani-kanilang petisyon matapos arestuhin ang kanilang ama noong Martes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court, saka dinala sa The Hague, Netherlands.

About The Author