dzme1530.ph

SMART KIDS ACT, APRUBADO NA SA SENADO

Loading

Lusot na sa 3rd and final reading sa Senado ang panukalang magbabawal sa below 18 years old na gumamit ng high-risk digital services tulad ng Meta Platforms, Roblox at Gorebox.

Sa botong 16 na pabor at isang tutol, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill 2424 o ang proposed Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces o Smart Kids Act.

Layunin ng panukala na bumuo ng framework sa pagtukoy ng mga digital services na may panganib na dala sa mga bata at nangangailangan ng epektibong mga hakbangin mula sa magulang, guardians at digital service providers upang maiwasan ang mga bata sa panganib.

Ang panukala na inisponsoran ni Senador Robinhood Padilla ay naglalayong imandato ang mga high-risk digital services na suspindihin, limitahan o alisin ang anumang account na mapatutunayang ginagamit ng isang menor de edad.

Minamandato rin sa panukala ang lahat ng platforms na tiyakin na walang under 18 years old ang makaka-access o bumuo ng account sa platform at magpatupad ng age-assurance measures na matukoy kung nakakatugon sa minimum age requirement ang user.

Hindi saklaw ng panukala ang mga electronic mail services, private messaging services, online gaming services na hindi pangunahing ginagamit sa social networking, educational platforms, news services at professional collaboration services.

About The Author