dzme1530.ph

Sikat at Award-winning na K-drama idol, nagpositibo sa Cocaine, Ketamine

Isang sikat at award-winning South Korean actor ang nag-positibo sa cocaine at ketamine, ayon sa report ng isang Korean Media Outlet.

Nakasaad sa ulat na sinuri ang hair sample ng aktor na si Yoo Ah-In ng National Forensic Service at Drug Investigation Unit ng Seoul Metropolitan Police Agency.

Sa ngayon ay mayroong apat na klase ng drugs na pinaghihinalaang ginagamit ng 36-anyos na K-Drama idol, at kinabibilangan ito ng marijuana, propofol, cocaine at ketamine.

February 5 nang harangin ng mga pulis ang aktor sa Incheon International Airport kasunod nang kanyangpagbabalik sa South Korea mula sa Amerika.

Nakilala sa kanyang mga hit projects na “seoul vibe” at “alive,” at dramas gaya ng “Hellbound” at “Chicago Typewritter,” si Yoo ay pirangalan ng award-giving bodies tulad ng Asian Film Awards, Fantasia International Film Festival’s Cheval Noir Award, dalawang Blue Dragon Film Awards at dalawang Baeksang Arts Awards.

About The Author