dzme1530.ph

SENADO, MAY PASOK KAHIT IPINAG-UTOS NG MALAKANYANG NA MAGPATUPAD NG ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT

Loading

TULOY ang pasok ngayong Huwebes sa Senado sa kabila ng direktiba ng Malacañang na alternative work arrangement sa NCR.
 
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na may pasok ang Senado dahil marami silang mga committee hearings.
 
Kabilang sa naka-schedule ngayong Huwebes ang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ukol sa karahasan na kinasasangkutan ng mga menor de edad na estudyante.
 
Kasama na rito ang shooting incident sa loob ng eskwelahan sa Zamboanga City na naging paksa ng privilege speeches nina Gatchalian at Senador Erwin Tulfo, gayundin ng manifestations ng mga kapwa senador sa sesyon kahapon.
 
Nakatakda rin ngayong araw ang pagdinig ng Senate Committee on Energy ukol sa pagpapatanggal ng system loss sa bayarin sa kuryente.
 
May bukod na pagdinig ang Committee on Trade and Commerce ukol sa panukalang Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises.
 
Gayundin ang Committee on Basic Education ukol sa partnership ng DepEd, LGUs at pribadong sektor sa pagpapatayo at pagpapa-repair ng mga silid-aralan.

About The Author