dzme1530.ph

BAYONG NENENG BUMILIS HABANG KUMIKILOS SA IBABAW NG KATUBIGAN NG EASTERN TAIWAN

Loading

Bumilis ang Tropical Depression Neneng habang kumikilos sa ibabaw ng coastal waters ng Eastern Taiwan.
 
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo kaninang 11:00 AM sa layong 450 kilometro north ng Itbayat, Batanes.
 
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 55 kilometers per hour, habang kumikilos pahilaga at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa loob ng susunod na 12 oras.
 
Posible ring humina si Neneng at maging isang remnant low sa mga susunod na araw. Gayunman, binigyang-diin ng PAGASA na maaari pa ring makaranas ng mabigat na pag-ulan at malakas na hangin ang mga lugar kahit nasa labas ito ng landfall point at forecast cone.
 
Samantala, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isang Tropical Depression, gayundin ang Tropical Storm Saudel, na kapwa nasa labas ng PAR.
 
Pinapaalalahanan ang publiko at ang mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga high-risk areas, na mag-ingat at sumunod sa mga direktiba at evacuation instructions kung kinakailangan.
 
Sumikat ang araw kaninang 5:43 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:16 ng gabi.

About The Author