dzme1530.ph

Sen. Marcos, aminadong duda 12-0 win ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas

Loading

Tila duda si Sen. Imee Marcos sa taget ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na 12-0 win sa midterm Senatorial elections sa Mayo.

Sa press briefing sa Senado, sinabi ni Marcos na marami ring ibang kandidato ang malakas.

Sinabi pa ni Marcos na hindi rin niya alam ang mangyayari sa buong panahon ng kampanya lalo pa’t nakasama na rin niya noon pa ang ibang mga kasamahan tulad nina Senators Bato dela Rosa at Bong Go.

Nanindigan din si Marcos na bagama’t sumasali siya sa ilang sorties ng Alyansa ay independent candidate pa rin siya na dahilan naman kaya natatawag siyang namamangka sa dalawang ilog.

Kasabay nito, kinumpirma ng senador na nakakausap niya si Vice President Sara Duterte subalit hindi aniya nila pinag-uusapan ang pulitika.

Ayaw din aniya niyang kulitin ang Bise Presidente kung ieendorso siya dahil batid niyang marami pang pinagkakaabalahan ang kaibigan.

About The Author