Ikinagalak ni Senador Imee Marcos ang pagkaka-aresto ng mga awtoridad sa isa mga suspect sa pambobomba sa Mindanao State University.
Kasabay nito, sinabi ni Marcos na dapat paigtingin pa ang pag-aresto sa iba pang sangkot sa trahedya at hanggang matukoy ang mastermind.
Samantala, nanawagan si Marcos ng pagtutulungan sa pagresolba sa krimen at hindi magamit ng mga corrupt official ang insidente sa pansariling interes.
Sa gitna ito ng pagtukoy ng senador sa ilang mga trahedya na nagamit pa sa katiwalian.
Sa huli, binigyang-diin ng mambabatas na dapat magkaisa para makamit ang kapayapaan at tunay na pag-unlad sa Mindanao. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News