UMANI ng papuri mula sa kanyang mga dating kasamahan sa Senado ang paraan ng pagtatanong ni Senador Risa Hontiveros kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo sa pagdinig kaugnay sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Sa kanyang pahayag, inilarawan ni dating Senador Panfilo Lacson ang kaganapan kahapon na pang-iinvade ng dating Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Lacson na kapuna-puna na iisa lamang ang hindi nagpatinag at naninindigan sa pangangalaga sa dignidad ng Senado at ito ay si Hontiveros.
Sa panig naman ni dating Senador Antonio Sonny Trillanes IV, sinabi niyang si Hontiveros lamang ang nagkaroon ng bright spot na tumayo laban sa tinawag niyang ‘Evil Duts’ na tumutukoy kay dating Pangulong Duterte.
Sinabi pa ni Trillanes na si Hontiveros ang halimbawa ng lider dahil siya at matapang, matalino at magaling.