dzme1530.ph

SEN. BATO DELA ROSA, WALA PANG TUGON SA PAKIUSAP NA HUWAG MUNANG TUMANGGAP NG SWELDO SA PATULOY NA PAG-ABSENT

Loading

WALA pang tugon si Senador Ronald Bato dela Rosa sa mungkahing huwag munang tumanggap ng sweldo at allowances habang hindi siya pumapasok sa Senado.
 
Ito ang kinumpirma kapwa nina Senate President Vicente Tito Sotto III at Senate Ethics Committee chairman JV Ejercito.
 
Ayon kay Sotto, ilang buwan na ang nakakaraan nang muli niyang iparating ang mungkahi kay dela Rosa sa pamamagitan ng anak nitong chief of staff sa Senado.
 
Sinabi ni Sotto na mas makabubuting tanggapin ni dela Rosa ang mungjkahi sa lalong madaling panahon upang hindi na umabot pa sa pagdedesisyonng Senate Ethics Committee.
 
Maging si Ejercito ay hindi pa nakakatanggap ng tugon mula sa kampo ni dela Rosa.
 
Una nang sinabi ni Ejercito na posibleng maibasura ang ethics complaint laban kay dela Rosa kung hindi nito tatanggapin ang sweldo kung patuloy ang pag-absent.
 
Sa ngayon ay walang rules ang Senado na magpapataw ng disiplina o pagsuspinde ng sweldo ng senador na hindi pumapasok kaya’t boluntaryo ang pakiusap kay dela Rosa.

About The Author