dzme1530.ph

SAMMY UY, POSIBLENG NAGTATAGO NA, AYON KAY DATING SEN. TRILLANES

Loading

Naniniwala si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na nagtatago na rin ngayon ang isa sa sinasabi niyang kasosyo ng mga Duterte sa mga ilegal na negosyo na si Sammy Uy.
 
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Trillanes na tulad ng iba pang natukoy na kasabwat ng pamilya Duterte ay maaaring nagpapalamig na si Uy sa ibang bansa at babalik na lamang kapag nahalal si Vice President Sara Duterte bilang pangulo.
 
Si Uy na isa sa mga sinasabing nagbigay ng milyong-milyong pera kay VP Sara at kapamilya nito ay sinasabing miyembro ng drug cartel.
 
Kaugnay nito, sinabi ni Trillanes na gumaan ang kanyang pakiramdam nang kumpirmahin ng AMLC ang mga sinasabi niyang milyong-milyong perang pumapasok sa accounts ng mga Duterte.
 
Gayunman, nalulungkot aniya siya na hindi agad pinaniwalaan ng taumbayan kaya’t mas malaking pinsala pa ang nangyari sa bansa.

About The Author