![]()
LUMITAW si Sen. Bam Aquino bilang mas malakas na presidential candidate kumpara kay Sen. Risa Hontiveros.
Batay ito sa hypothetical 2028 election matchups, kasunod ng desisyon ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na huwag nang tumakbo sa national position.
Ayon sa Tangere survey na isinagawa noong Nov. 10-13 sa 1,800 respondents, naungusan ni Aquino si Hontiveros sa matchups laban sa administration-aligned candidates, habang umani rin ng mas maraming undecided voters.
Sa hypothetical two-way contest laban kay Sen. Robin Padilla, nakakuha si Aquino ng 39% kontra sa 31% ni Padilla, habang 30% ng respondents ang undecided.
Sa hiwalay na matchup, tumanggap si Padilla ng 25% habang si Hontiveros ay may 35%, at umabot sa 39% ang undecided.
Mas maganda rin ang performance ni Aquino sa three-way matchup nila nina Sen. Bong Go at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Nanguna si Aquino na tumanggap ng 34% laban kay Go na nakakuha ng 33% at Teodoro na mayroong 10%, habang 13% ang nag-abstain.
