dzme1530.ph

Seguridad sa Binondo ngayong Chinese New Year bantay-sarado ng Pulisya

Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-iikot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa buong Chinatown sa Binondo, Maynila ngayong bisperas ng Chinese New Year.

Ito’y upang paalalahanan ang publiko sa mga masasamang-loob at iba’t-ibang modus operandi upang makapanloko at manamantala kasabay ng mga aktibidad sa Manila Chinatown.

Kaya’t hinihikayat ng pulisya ang publiko na huwag mag-atubili at agad ipagbigay sa kanilang mga tauhan ang mga kahinahinalang tao o bagay na makikita gayundin ang anumang uri ng krimen.

Ang mga may-ari ng sasakyan ay hinikayat na huwag mag-iwan ng mga importanteng gamit sa loob para hindi maging biktima ng mga magnanakaw o Basag Kotse Gang.

 

About The Author