dzme1530.ph

Secretary ni Cong. Teves at asawa nito, tinatakot ng PNP

Natatakot na ang kapatid ng secretary ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves dahil sa pananakot na ginagawa dito upang tumestigo laban sa mambabatas.

Ayon kay Hazel Sumerano, katapid ni Hanna Mae Oray na Secretary ni Teves, labis na ang kaniyang pangangamba para sa kapatid na si Hanna at asawa nitong si Heracleo Oray na ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG dahil ginigipit na ang mga ito para lamang pumirma sa isang affidavit na nagsasangkot kay Cong. Teves sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Pinalalabas rin umano ng CIDG na revoke na ang lisensiya ng dalawang caliber .45 na kinuha ng mga ito mula kay Oray samantalang up to date pa ang lisensiya ng mga ito.

Dahil dito, sinamahan ni Atty. Toby Diokno, isa sa mga abogado ni Cong. Arnie, sa Commission on Human Rights si Hazel upang humingi ng proteksiyon dahil nilabag ng mga awtoridad ang kanilang karapatan mula sa proseso ng raid hanggang sa pag-aresto.

Ipinasilip na rin ani Atty. Diokno sa CHR ang umano’y panggigipit sa mag-asawang Oray para piliting mag-execute ng affidavit na magdidiin kay Teves kaugnay sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

About The Author