![]()
Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa 87 indibidwal na nawawala matapos masunog ang isang passenger vessel sa Coron, Palawan.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, batay sa manifesto, kabuuang 134 ang lulan ng barko.
Gayunman, posible anyang magbago pa ang numero depende sa resulta ng kanilang operasyon.
Umalis ang barko sa Baseco, Manila alas-otso, kagabi.
Iniimbestigahan na rin ng PCG kung may mga paglabag ang naturang barko kabilang na ang overloading at kung hindi nakasuot ng life jackets ang mga pasahero.
