dzme1530.ph

PAGLABAS NG BANSA NI SEN ALAN CAYETANO, HINDI PA MAITUTURING NA ISYU SA NGAYON, AYON KAY SEN PING LACSON

Loading

HINDI pa maituturing na isyu sa ngayon para kay Senador Panfilo Lacson ang paglabas ng bansa kagabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
 
Sinabi ni Lacson na mabuting pagbigyan muna si Cayetano na makapagbakasyon o makapagrelax mula sa stress na dulot ng mga isyu na siya naman mismo ang gumawa.
 
Binanggit pa ni Lacson na posibleng ang byahe ng senador kasama ang asawang si Taguig City Mayor Lani Cayetano at kapatid na si Senador Pia Cayetano ay may kaugnayan sa reproductive health kung saan kilalang mahusay ang Singapore.
 
Kung may kaugnayan sa kalusugan ang biyahe nina Cayetano, sinabi ni Lacson ‘sincerely I wish him well’.
 
Ayon kay Lacson sa kabila ng kanilang hidwaan o bangayan ni Cayetano hangad nya ang mabuting kalusugan nito kung may kaugnayan sa health ang biyahe nito.
 
Matatandaang madalas na magsagutan, at magbatikusan ang dalawa matapos isiwalat ni Lacson ang anomalya sa flood control projects sa Taguig at sa reclamation activity sa Laguna lake.

About The Author