dzme1530.ph

SAP Lagdameo at DSWD Sec. Gatchalian, nagsagawa ng situation briefing kaugnay ng matinding pag-ulan sa BARMM

Pinangunahan nina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Dep’t of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian ang situation briefing sa Cotabato City, kaugnay ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bunga ng Southwest monsoon o hanging habagat.

Ito ay kasabay din ng paghahatid ng tulong sa mga apektado ng kalamidad.

Bukod sa family food packs at non-food items, binigyan din ng tigsa- ₱10,000 ayuda ang halos 300 pamilya na totally damaged o tuluyang nasira ang mga bahay.

Tig- ₱5,000 naman ang iniabot sa mahigit 130 households na partially damaged ang tahanan.

Samantala, binigyan din ng tig- ₱10,000 burial assistance ang apat na pamilya.

Kabilang sa mga nahatiran na ng tulong ang Matanog, Maguindanao Del Norte at Balabagan Lanao Del Sur.

About The Author