Retired P/COL Garma, nag-apply ng asylum sa Amerika

dzme1530.ph

Retired P/COL Garma, nag-apply ng asylum sa Amerika

Loading

Kinumpirma ng abogado ni Retired Police Colonel Royina Garma na nag-apply ang kanyang kliyente ng asylum sa Estados Unidos.

Sa panayam sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Atty. Emerito Quilang na naghain si Garma para sa Asylum noong Nov. 2024, matapos itong arestuhin sa US bunsod ng Canceled VISA.

Inamin naman ni Quilang na masyadong mahigpit ang US Government kaya hanggang ngayon ay naghihintay pa sila ng hearing para sa request na asylum.

Inihayag ng Abogado na itinakda ang initial hearing noong April 2 subalit nakansela.

Tumanggi naman si Quilang na tukuyin ang grounds sa asylum request ng kanyang kliyente dahil hindi niya ito saklaw at ibang abogado ang may hawak nito.

Sa hearing sa Kamara, iniugnay si Garma sa pagpaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga, na itinanggi naman ng dating police official.

About The Author